Papanatilihin pa rin ang presensiya ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa Escoda shoal dahil nananatiling nakaangkla ang Monster ship ng China sa lugar sa loob na ng 2 linggo.
Ayon kay Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, palagi silang nakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard para matiyak na mananatili ang barko ng PH sa Escoda shoal.
Tiniyak din aniya ng PCG na mayroong replacement ang Coast Guard vessel o Navy vessel sa lugar.
Nauna ng sinabi ni PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela na ipagpapatuloy nila ang pagmonitor sa dambuhalang barko ng China na nasa 5 hanggang 8 milya ang layo mula sa BRP Teresa Magbanua.
Simula kasi noong Abril ng kasalukuyang taon, idineploy sa Escoda shoal ang isa sa pinakamalaki at modernong barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua para hindi na magbantay sa naturang parte ng WPS matapos na madiskubre ang tambak na durog na mga coral sa lugar at posibleng reclamation activities.