Binuksan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bagong monitoring station nito sa lalawigan ng Batanes, ang pinakahilagang island province ng Pilipinas na nakaharap sa Taiwan.
Isinagawa ang inagurasyon sa naturang monitoring station sa may bayan ng Itbayat ngayong araw na pinangunahan ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan ayon kay PCG spokesperson rear Admiral Armand Balilo.
Ang Itbayat ay halos 200 kilometro ang layo mula sa Cape Eluanbi, ang southernmost point ng self-ruled island na itinuturing ng China bilang probinsiya nito.
Samantala, sinabi naman ni Balilo na ang malilinang pa ang kapasidad ng PCG sa maritime domain awareness sa lugar lalo na sa search at rescue at monitoring ng mga mangingisdang Pilipino.
Napakahalaga din aniya ng lugar na ito na nasa pinakahilagang parte ng ating bansa dahil kailangang mamonitor ang mga nangyayari sa naturang parte ng Pilipinas.