-- Advertisements --

Hindi pa rin matunton ng Philippine Coast Guard ang apat pang mga mangingisda na nawawala sa Surigao del Norte.

Ayon sa PCG, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulang government agencies at maritime stakeholders para sa posibleng sightings ng missing na mga mangingisda.

Una nang na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawa sa anim na mga mangingisda.

Nabatid na pinasok ng tubig ang bangka ng mga biktima matapos silang salubungin ng malalaking alon.

Ang dalawang nailigtas ay lumangoy hanggang makarating sa Bohol Sea kung saan sila na-rescue.