-- Advertisements --
Nagiwan ng babala at paalala si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa mga tauhan ng PCG na maiisipang lumabag sa kaniyang mga utos ngayong Summer Vacation 2025.
Aniya, titiyakin umano ng kanilang pamunuan na masisibak sa pwesto ang sinumang mga tauhan, opisyal man o hindi kapag napatunayang lumabag ang mga ito sa kaniyang marching orders.
Ayon pa kay Gavan, kailangan ng mga ito na sumunod sa kaniyang mga naging paguutos para sa mas maayos at ligtas na Summer Vacation at mapanatili ang ‘zero maritime casualty’ order.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Gavan ang mga pantalan at binigyang diin na kailangan makaalis ang mga sasakyang pandagat sa loob lmang ng 10 hanggang 30 na minuto depende sa laki ng mga ito.