-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng ilang senatorial bets ng Otso Diretso na pinagbawalan silang maglayag papuntang Scarborough Shoal.

Ayon sa PCG, walang existing na polisiya na nagbabawal sa kung sino man na pumunta sa Scarborough Shoal, pero kailangan daw na abisuhan sila ng mas maaga para rito.

Kahapon, pupunta sana sina dating Solicitor General Florin “Pilo” Hilbay, human rights lawyer Chel Diokno, dating Magdalo Rep. Gary Alejano, at Marawi civic leader Samira Gutoc sa Scarborough Shoal para tingnan ang umano’y mga aktibidad ng China sa lugar.

Pero ayon kay Diokno hindi sila pinayagan na makapunta sa naturang bahura na maituturing daw niyang hindi makatarungan.

Matapos silang harangin, sa halip ay tumungo na lamang ang mga kandidatong ito sa shoreline at naglagay ng bandila ng mga Pilipinas bilang protesta sa mga ginagawa ng China.