-- Advertisements --
Kokompletuhin ngayong araw ng Philippine Coast Guard (PCG) casualty investigators ang data ukol sa tunay na bilang ng mga biktima ng trahedya sa Guimaras Strait.
Ayon kay PCG spokesman Capt. Armand Balilo, base sa mga dokumento ng mga bangka, wala silang nakitang overloading.
Pero tinitingnan din ang anggulo na posibleng may mga hindi nakalista sa “passenger manifest.”
Idinipensa rin ng PCG ang pagbibigay ng “go signal” sa paglalayag ng mga bangka noong weekend dahil mainit at maganda naman daw ang panahon.
Hinala ni Balilo, baka ito ang tinatawag na “Subasko” o biglang pagsama ng panahon, ngunit kailangan pa nila ng sapat na testimonya.
Wala rin kasing inilabas na abiso ukol sa malalaking alon ang Pagasa, bago nangyari ang trahedya.