Hinamon ng governance watchdog na Pinoy Aksyon ang mga environmentalist at ang Philippine Coast Guard (PCG) na tigilan ang sisihan at mag-focus sa recovery efforts sa nangyaring oil spill sa Bataan na umabot sa karatig bayan.
Ayon kay Pinoy Aksyon chairperson Bency Ellorin tanging ang Shogun Ships, ang may-ari ng MT Terranova, ang may sole accountability sa nangyaring aksidente.
Kinuwestiyon din ni Ellorin ang PCG sa pagpayag ng dalawang tanker na maglayag sa kabilang ng kasagsagan ng super typhoon Carina.
Noong nakaraang Hulyo 15, isang lantsa ang sumadsad sa baybayin ng Romblon, at dalawa naman sa Bataan.
Pinuna din ni Ellorin ang biglaang pagsasalita ng mga environment groups at sa madaliang konklusyon na hindi naaayon sa batas at tunay na nangyari.
Hinimok ng grupo ang PCG na imbestigahan ang tatlong insidente bago gumawa ng konklusyon.
Nararapat umanong maglunsad ang maritime authorities ng mga solusyon upang agad na mabigyang babala ang mga sasakyang pandagat.
Dapat din aniyang patawan ng mas mabigat na parusa ang mga lalabag sa babala ng mga awtoridad ng Pilipinas.
Noong nakaraang linggo, dalawang fuel tanker, isa dito ay ang MTKR Jason Bradley ang lumubog sa Mariveles, Bataan, isang linggo bago sumadsad ang isang Ferry sa bayan ng Romblon.
Sinabi ng PCG na ang MV Maria Helena ng Montenegro Shipping ay sumadsad malapit sa baybayin ng Barangay Nasunugan sa bayan ng Banton, at listed umano dahil sa “imbalance of cargoes” and kargang tubig sa ilalim ng sasakyang pandagat.