Nananawagan si Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa kanilang mga counterparts mula sa ibang bansa na itigil na ang paggamit ng water cannons kaparehong coast guards.
Ayon kay Gavan ang paggamit ng water cannons laban sa kapwa coast guards ay hindi makakatulong dahil lalo itong magpapalala sa sitwasyon.
Ginawa ni Gavan ang pahayag sa isang special session sa Maritime Law Enforcement and Confidence Building sa IISS Shangri-La Dialogue sa Singapore.
“There is this proportionality in the use of force vis-à-vis the political message it sends. So, we’re not very comfortable with that so I hope that stops,” pahayag ni Gavan.
Hindi naman direktang tinukoy ni Gavan ang China Coast Guard kung saan dumalo din ang mga ito sa nasabing pulong.
Binigyang-diin ng coast guard chief na ginagamit lamang ang water canon sa pag ligtas ng buhay at properties mula sa sunog.
“Water cannons are not meant to light up fire. They are there to save lives and properties from fire or simply to put off fire; never to host down the weaker ones to pieces to start the fire,” dagdag pa ni Gavan.
Siniguro naman ni Gavan na mananatiling propesyunal at kalmado ang Pilipinas sa kabila ng nararanasang tensiyon sa West Philippine Sea.
“We just have to go back to the basics of humanity. If we embrace together what is right, we won’t be wrong, punto ni Adrmiral Gavan”
Dahil sa pag water canon ng China sa mga barko ng PCG, umaabot sa P2 hanggang P3 million ang idinulot nitong pinsala.
Mariing kinokondena ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pag gamit ng water canon sa West Philippine Sea.