LEGAZPI CITY – Hiling ng Coast Guard District Bicol ang tulong ng mga lokal na pamahalaan at barangay sa pagbabantay sa mga lumulusot sa borders na hindi dumadaan sa mga pantalan.
Aminado si CGD Bicol Deputy Comm. Wilmo Maquirang na kulang ang tauhan at resources sa pagbabantay sa mahabang shoreline ng island provinces.
Pahayag ito ni Maquirang sa Bombo Radyo Legazpi dahil sa mga report ng mga insidente ng umuuwing mga residente sa Catanduanes at Masbate na hindi dumadaan sa tamang proseso na ipinatutupad habang nasa COVID-19 pandemic.
Ayon pa kay Maquirang, limitado rin ang kapasidad sa pagbabantay kaya’t mas magiging epektibo umano ang kooperasyon kung tulong-tulong lalo na ang mga nasa coastal barangays.
Magsasagawa rin ng counteractions upang makatulong sa pagkontrol ng kumakalat na COVID-19.
Buhay umano kasi ang nasa peligro kung magtutuloy-tuloy ang mga ganitong hakbang.