-- Advertisements --
image 408

Binigyang diin ng Department of Transportation na hindi magpapatinag ang Philippine Coast Guard sa provocative actions ng Chinese Coast Guard matapos ang insidente kung saan muntikan itong magbanggaan.

Ayon pa sa ahensya, ang PCG ay may karapatan sa Ayungin Shoal base sa international law.

Dagdag pa ng DOTr ito ay raw ay pinakabagong harrassment sa Pilipinas.

Kung maaalala, Abril 23 noong magpatrol ang Philippine Coast guard na may sakay na mga mamamahayag at maya maya pa ay lumapit ang Chinese Coast Guard na di hamak na mas malaki sa barko ng Pilipinas.

Ayon naman kay Pangulong Bong Bong Marcos Jr., nakapag usapan na raw ang isyung ito kasama ang Chinese governement.