Nagpadala ng demand letter ang Philippine Coast Guard (PCG) sa may-ari ng MV Hong Hai 16 na lumubog sa baybayin ng Rizal, Occidental Mindoro, upang tiyakin ang buong kooperasyon sa mga kasalukuyang operasyon.
Ayon kay Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng PCG District Southern Tagalog, mahalaga ang presensya ng kinatawan ng may-ari upang matulungan sila na makapag padala ng mga kinatawan para sa isinasagawang operasyon.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PCG hinggil sa insidente at ang paghahanap sa pitong nawawalang pasahero. Noong Huwebes, Abril 17, dalawang katawan muli ang natagpuan sa loob ng lumubog na barko, kaya’t umabot na sa apat ang nasawi.
Sa kabilang banda nag-deploy na ang Marine Environmental Protection Enforcement Response Group – Southern Tagalog ng 250 meters ng oil spill boom para maiwasan ang posibleng oil spill.
Kasama ng PCG sa operasyon ang local Police, AFP, PNP Maritime Group, at DENR. Hiniling din ng lokal na pamahalaan ng Rizal na magpadala ng kinatawan ng may-ari ng barko upang matulungan sila sa mas mabilis na operasyon at tiyakin ang pananagutan.