-- Advertisements --

In-activate na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Deployable Response Groups (DRGs) nito bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong Pepito sa Bicol region.

Inaasahan kasing papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo nitong gabi ng Huwebes, Nobiyembre 14.

Ayon sa Coast Guard Distric Bicol, ang naturang proactive measure ay para masiguro ang kaligtasan ng komunidad sa pamamagitan ng pagtiyak na nakahanda ang response teams sa agarang pag-responde sa mga posibleng masalanta ng bagyo.

Pinayuhan din ang publiko na manatiling informed at sundin ang safety gudelines.