-- Advertisements --
image 514

Inamin ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nito nagawang ipahayag ang mga nakaraang insidente sa West Philippine Sea, ngunit kamakailan ay sinimulan nilang ilantad ang mga agresibong aksyon ng China sa pinagtatalunang karagatan.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela na Adviser of the Commandant for Maritime Security, umaasa silang ang hakbang ay maghahatid ng tugon mula sa East Asian hinggil sa pananakot nito.

Aniya, ang kaparehong mga insidente sa west philippine sea ay hindi nito ibinunyag at isinapubliko.

Kung matatandaan, kamakailan ay iniulat ng Philippine Coast guard na tinutukan ng isang barko ng Chinese Coast Guard (CCG) gamit ang isang military-grade laser ang barko ng Pilipinas na BRP Malapascua.

Dagdag dito, naitala rin umano ang patuloy na pagdagsa ng mga sasakyang pandagat ng China sa karagatan ng Pilipinas.

Iginiit ni Tariela, na ang ahensya ay naglabas na ng mga larawan at video upang patunayan ang naturang mga pahayag.

Noong unang bahagi ng Pebrero, kinumpirma ng tagapagsalita ng PCG na si Commodore Armand Balilo ang isang ulat na ang isang barko ng Chinese Coast Guard ay nasubaybayan at nakabuntot sa isang barkong pandigma ng Philippine Navy malapit sa Mischief Reef na isang low-tide elevation na matatagpuan sa Spratly Islands.