Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nagkaroon ng standoff o sinyales ng agression sa China matapos tanggalin ng China Coast Guard ang remnants o natirang floating barriers na pinutol ng PCG sa pinagtatalunang Scarborough shoal.
Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Commodore Jay Tarriela, kinuha ng Chinese Coast Guard ang floating barriers ilang oras matapos madiskubre na nakalas na ito.
Aniya, ang apat sa China Coast Guard na nasa lugar ay hindi naging agresibo matapos makita ang media lulan ng barko ng PH.
Una ng kinumpirma ng PCG na matagumpay na natanggal ang barriers sa naturang isla matapos ang isinagawang special operation para putulin ang 300 meter barrier na inilagay ng China.
Ang Scarborough shoal na pangunahing fishing spot na matatagpuan sa 200 km ng Pilipinas at nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa ay ang lugar kung saan ilang dekada ng pinagtatalunan may kaugnayan sa soberaniya.