-- Advertisements --
May initial data na ang Philippine Coast Guard (PCG) ukol sa mga ulat na talamak ang pagmimina ng black sand sa San Antonio, Zambales.
Ayon kay Cmdr. Euphraim Jayson Diciano ng PCG station sa Zambales, nagsagawa sila ng imbestigasyon sa tulong ng iba pang local authorities.
Pero lumilitaw na wala naman itong katotohanan sa sakop ng kanilang area of jurisdiction.
Gayunman, magpapatuloy umano ang kanilang paggalugad sa mga baybayin at maging sa dagat upang masawata ang anumang anyo ng iligal na pagmimina.
Mahigpit din umano sila sa mga sumisira sa likas na yaman kaya’t gagamitin nila ang buong pwersa para mapahinto ang mga kahalintulad na aktibidad kung sakaling mayroon silang ma-monitor.