-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Caost Guard (PCG) nitong Linggo, na may isa pang barko na lumubog sa Barangay, Cabcaben sa Bataan.

Noong 5 ng hapon kahapon, Hulyo 27, 2024, tatlong 44-meter na barko ng Coast Guard ang lumayag sa lugar para kumpirmahin ito.

At kaninang umaga, nagsagawa ng initial underwater assessment ang Coastguard divers at natukoy ang pagkakakilanlan ng barko bilang – MTKR Jason Bradley.

Ayon sa PCG, patuloy ang kanilang diving operations para malaman ang kondisyon ng lumubog na barko.