-- Advertisements --
image 75

Iniulat ng Philippine Coast Guard na namataang nakaangkla ang mga chinese vessels sa may bisinidad ng Pag-asa island.

Ang mga ito ay tinukoy ng PCG na People’s Liberation Army Navy vessel, China Coast Guard vessel 5201 at 42 hinihinalang Chinese Maritime Militia.

Tinatayang nasa layong 4.5 hanggang 8 nautical miles mula sa Pag-asa island ang nasabing mga Chinese vessel.

Ayon pa sa PCG, malinaw na nasa loob ng land features ng Pilipinas na 12 nautical mile territorial sea ang naturang vessels.

Ang Pag-asa island ay ang pinakamalaking isla sa Kalayaan island group sa Probinsiya ng Palawan.

Tinatayang nasa mahigit 400 ang civilian locals sa lugar kabilang ang 70 bata na itinuturing ang naturang isla na kanilang tahanan kasama ang mga naka-stasyong militar, law enforcement at civilian government personnel.

Top