Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinundan umano ng Chinese navy vessel ang BRP Francisco Dagohoy mula sa Pag-asa island habang pabalik ito sa Palawan matapos na tulungan ang fisheries bureau na maghatid ng livelihood assistance sa mga residente sa isla.
Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo na hindi agad napansin ang Chinese vessel na sinusundan pala ang patrol vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) lulan ang mga mamamahayag
Sinabi naman ng opisyal na nangyari ang insidente nitong araw ng Biyernes.
Ayon kay Balilo, iniulat umano ng mga sakay ng BRP Francisco Dagohoy na sinundan sila ng Chinese navy vessel at tatlong beses silang chinallenge.
Sa parte naman ni BFAR chief information officer Nazario Briguera na ang paglalayag patungo sa pag-asa island ay naging mapayapa at smooth bagamat hindi kasama ang opisyal sa lulan ng BRP Dagohoy nang mangyari ang insidente.
Una rito, nagsimula ang paglalayag ng BRP Dagohoy patungo sa Kalayaan island noong June 12 para maghatid ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P5 million para sa mga mangingisda doon.
Nakabalik ito sa Puerto Princesa kahapon, Hunyo 16.