-- Advertisements --
wps

Inihayag ng Philippine coast guard na walang nawawalang boya ng pilipinas sa west philippine sea. Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, wala silang natatanggap na anumang ulat na mayroong nawawalang boya na inilagay ng pcg sa west philippine sea.

Aniya, ang huling ulat lamang na kanilang natanggap ay noong matagumpay na mailagay na ang mga ito sa WPS noong nakaraang buwan bilang mga sovereign markers at para sa navigational safety.

Dagdag pa ni Balilo, ang naturang mga bouy ay intact ang pagkakalagay at nasa mga designated places na sa naturang isla. Sakali aniyang mawala ang alinman sa mga buoy ay agad itong ipagbibigay-alam ang national task force on the west philippine sea at ng Department of Foreign Affairs.

Kaugnay nito ay muli ring iginiit ng opisyal na kumpiyansa ang pcg na naroon pa rin ang walong bouy na kanilang inilagay, bagama’t kinakailangan pa ring suriin ang mga buoy sa balagtas reef at Julian Felipe reef.

-- Advertisement --