Ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) na alisin ang natitirang industrial fuel na lumubog na motor tanker na Terra Nova.
Sa isang advisory, sinabi ng PCG na iniutos nito ang pagpapatuloy ng siphoning operations sa ground zero sa Limay, Bataan kung saan lumubog ang barko na may 34 metro ang lalim.
Dagdag pa, ang siphoning operations ng salvage company na Harbour Star ay sinuspinde mula Setyembre 2 hanggang 6 upang maiwasan ang posibleng pagtagas ng langis na dulot ng malakas na agos at mabigat na kondisyon ng panahon.
Noong Setyembre 1, ang Harbour Star ay nakasipsip na ng higit sa 1.2 milyong litro ng mamantika na basura mula sa Terra Nova.
Dala ng tanker ang 1.4 million liters ng industrial fuel nang hagupitin ng Bagyong Carina ang Luzon.