Hinihintay pa ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda na lulan ng bangkang binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea para maisagawa ang imbestigasyon.
Sinabi ni PCG spokesman Captain Aramand Balilo, na nais malaman sa mga mangingisda kung Chinese vessel ba ang may kagagawan ng insidente.
May nakarating kasi sa kanilang impormasyon na isang barko mula sa Vietnam ang nakabangga sa kanila.
Mahigpit nilang tinitignan ang mga bangkang dumadaan sa nasabing lugar.
Ang nasabing insidente ay una ng nangyari noong 2013 sa Zambales kung saan isang Chinese vessel ang bumangga sa bangkang pangisda ng mga Pinoy.
Nauna rito isang panibagong insidente ng pagkabangga ng barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pinoy kung saa sila ay sinagip ng mga dumaang mangingisda mula sa Vietnam nitong Hunyo 9.