-- Advertisements --
Dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang katuwang ng Department of Social Welfare and Development sa paghahatid ng mga family food packs sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Kristine sa rehiyon ng Bicol.
Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD na aabot sa 14,000 na kahon ng family food packs ang nakasakay sa naturang mga barko.
Mula sa naturang bilang, aabot sa 11,000 FFPs ang lulan ng BRP Teresa Magbanua habang ang 3,000 FFPs ay sakay naman ng BRP Cape San Agustin.
Ang naturang bilang ng FFPs ay nagmula sa Visayas Disaster Resource Center sa Cebu.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagsisikap ng DSWD kasama ang PCG upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang lugar.