-- Advertisements --
image 35

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may halo na ring industrial fuel oil ang oil spill sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro, ngayong araw.

Kasunod ito ng paglubog ng MT Princess Empress na may kargang humigit-kumulang 800,000 litro ng industrial fuel oil dahil sa engine trouble o overheating.

Ayon sa mga ahensya o Bantay Dagat, nakakalat na din ito sa humigit-kumulang isang ektaryang katubigan malapit sa Sibale Island.

Sa shoreline assessment na isinasagawa ng PCG sa Pinamalayan, na-obserbahan ang “patches of emulsified oil.”

Samantala, tuluy-tuloy naman ang Mtug Titan sa pag-apply ng dispersant sa naturang katubigan.