-- Advertisements --

Maglulunsad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng sarili nitong maritime domain awareness (MDA) flights sa mga pangunahing lugar sa West Philippine Sea (WPS) upang igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, magsasagawa sila ng MDA flight mula Pangasinan hanggang Zambales. 

Binigyang-diin ni Tarriela na ang mga regular na flight na ito ay muling nagpapatibay sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. 

Ang anunsyong ito ay matapos magsagawa ng “dangerous” maneuvers ang isang Chinese military helicopter sa Bajo de Masinloc.

Samantala, kasalukuyang tinutunton ng PCG ang barko ng China Coast Guard (CCG) 5303 80 nautical miles sa labas ng Bolinao, Pangasinan.

Samantala, namataan ang CCG vessels 3301 at 3105 sa labas ng Zambales.