-- Advertisements --
PCG logo

Magrerecruit ng sa mahigit 4,000 na personnel ngayong 2023 ang Philippine Coast Guard upang patibayin pa ang seguridad sa ating bansa.

Ayon kay Deputy Chief of Coast Guard Staff for Human Resource Management, CG Commodore Jay Tarriela, inaasahang magkakaroon ng 4,000 recruits ang Philippine Coast Guard (PCG) bago matapos ang 2023.

Sa oras na maisakatuparan ito, aabot na sa 30,000 ang kabuuang bilang ng mga coast guradians na magtataguyod ng kaligtasan sa malawak na katubigan ng bansa

Dagdag pa ni CG Commodore Tarriela, malaking bagay ang suporta ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa patuloy na paglawak ng pwersa at modernisasyon ng Philippine Coast Guard.