-- Advertisements --

Magsusumite ang Philippine Coast Guard ng rekomendasyon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) kasunod ng napakalakas na water cannon attack ng China Coast Guard sa mga barko ng PH habang nasa supply mission sa Panatag shoal.

Ayon kay Coast Guard spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, bunsod ng paggamit ng China Coast Guard ng 200 pounds per square inch (PSI) ng pressure na nagpabale sa metal railings ng barko ng PCG, magsusumite ng report ang ahensiya sa NTF at posible umano na magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang approach o maaaaring wala.

Nilinaw naman ng PCG official na subject pa ang kanilang rekomendasyon sa approval ng commander-in-chief.

Ginawa ni Comm. Tarriela ang naturang pahayag nang matanong kung magkakaroon ng mga pagbabago sa maximum tolerance approach at operational guidelines ng PH ngayong mas tumindi pa ang aksiyon ng China sa WPS.