BANGKOK – Naisumite na ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority (Marina) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon kaugnay sa insidente ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank na nasa West Philippine Sea.
Sinabi Transportation Sec. Arthur Tugade, nitong Huwebes pa naisumite nila kay Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon.
Tumanggi muna ang kalihim na ibahagi ang kinalabasan ng imbestigasyon at hayaan muna umanong mabasa ito ni Pangulong Duterte.
Samantala, kaugnay sa planong joint investigation ng Pilipinas at China sa insidenteng ito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangan pa itong isapinal.
Posible kasi umanong magkaiba ang mekanismo o polisiya ng dalawang bansa sa konsepto ng joint investigation.
Kaugnay naman sa pangambang posibleng kontrolin ng China ang findings ng joint investigation, binigyang-diin ni Sec. Panelo na hindi papayag ang Pilipinas na mangyari ito.