Dapat ng kasuhan ng pamahalaan ang Chinese crew na sangkot sa insidente ng pagbangga umano sa bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank, bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang panawagan ni Senate Minority leader Franklin Drilon matapos lumutang ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritima Industry Authority sa insidente.
Ayon kay Drilon dalawang bagay ang malinaw sa resulta ng imbestigasyon: ito ay ang pagiging basehan sa paglabag ng Fisheries Code at ang karapatan ng publiko na masilip ang nilalaman ng report.
“First thing: We must make this report public. I don’t know if it has just been released. I’m not aware that it has been released. I call on Malacañang to officially release the Coast Guard-Marina report,” sa isang Senate interview.
“Number two: The Marina-Coast Guard report can be the basis of an action for damages under the Fisheries Code because there was clear poaching, and not only poaching, there was an attack on our fishermen.”
“We may not be able to completely enforce our laws because of limitations such as hindi man nga natin kilala kung sino itong mga ito, but the fact that we are acting on the incident will be an argument that will favor us in the future when we continuously defend our position that the Recto Bank is part of the exclusive economic zone (EEZ).”
Batay sa ulat, maituturing na malubhang sakunang pandagat ang nangyari sa pagitan ng dalawang fishing crew.
Malinaw ang visibility ng dagat nang mangyari ang insidente.
May ilaw din daw ang F/B GemVer 1 habang naka-angkla sa bahagi ng Recto Bank kaya imposibleng hindi ito nakita ng Chinese vessel.
Matapos ang sinasabing pagbangga ay inilawan lang ng mga dayuhan ang mga Pilipino at agad umalis sa lugar.
Indikasyon ng paglabag sa panuntunan ng United Nations sa mga karagatan.
Sa kabila nito may pagkukulang din daw sa hanay ng mga Pilipinong mangingisda, gaya ng hindi pagtatalaga ng look out, kulang na papeles ng crew, hindi lisensyadong makinista at overcrowded na bangka.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo hindi nalalayo sa naunang pahayag ng pangulo ang resulta ng imbestigasyon.
“There is no contradiction. Even the fact where Filipinos were placed in a dangerous situation where they could have been dead then that’s a serious marine casualty.”
“When the president says it’s not that serious enough to blow it to international crisis, that’s what he meant. So both of them are correct.”