Naglunsad ng research expedition ang Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng Marine Science Group nito kasama ang UP Marine Science Institute (UP MSI) at Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) sa may Pag-asa island.
Ang naturang research project ay layuning makabuo ng baseline biodiversity data sa Kalayaan Island Group na sinimulan noong Pebrero 22 at magtatagal hanggang sa Pebrero 28.
Sa kasagsagan ng ekspedisyon, isinagawa ng PCG Maritime Science Group ang iba’t ibang mga aktibidad gaya ng assessment sa diversity at community structure ng seaweeds, mollusks at iba pang benthic invertebrates o maliliit na hayop na naninirahan sa ilalim ng dagat, dokumentasyon ng biodiversity, ang kasaganaan at distribusyon ng seagrasses sa patag na bahura ng Pagasa island.
Nagsagawa din ang mga ito ng mollusk surveys para mapahusay pa ang pang-unawa sa habitat interactions.
Isa din itong pagkakataon para matukoy at mabalangkas ang prayoridad na reef restoration sites para sa PCG Maritime Science Group.
Ang naturang aktibidad ay simula pa lamang ng paparting pang mga serye ng mga aktibidad ng PCG sa pgsisikap nito na i-rehabilitate ang coral reefs at iba pang marine ecosystems sa West Philippine Sea na nahaharap sa pagkasira sa nakalipas na mga taon.
Ayon naman sa Deputy Chief ng Coast Guard Staff for Marine Environmental Protection, ang naturang inisytiba ay alinsunod sa madato ng PCG na protektahan ang marine environment bilang pagkilala sa importansiya nito at ng mga resources para sa mamamayang Pilipino.