Matagumpay na napaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 134-meter China Coast Guard vessel 5303 sa kabila ng masungit na panahon at malalaking alon na umabot ng lima hanggang walong talampakan.
Ayon sa pahayag ni PCG Spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, ang CCG vessel 5303 ang siyang naging kapalit ng CCG vessel 3103 na nauna nang namataan sa parehong pwesto sa katubigan sa Zambales.
Paniniguro ni Tarriela, ang lahat ng crew at staffs ng BRP Cabra ay patuloy na naninindigan at nananatiling matatag sa kanilang misyon na bantayan at idokumento ang mga ilegal na pagpapatrolya ng CCG sa West Philippine Sea.
Sa ngayon, matagumpay na naitaboy ng halos 95 nautical miles mula sa pangpang ng Zambales ang CCG vessel habang patuloy naman sa pagmamatyag ang PCG sa mga aktibidad pa ng mga monster ships na ito sa WPS.