-- Advertisements --

May ipinadala na ang Philippine Coast Guard (PCG) na barko sa Escoda Shoal na kapalit ng BRP Teresa Magbanua.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año , na sa mga susunod araw ay makakarating na sa nasabing lugar ang barko.

Kinailangan muna nito magshelter dahil sa mga naranasang sama ng panahon noong mga nagdaang araw.

Mula kasi noong Abril ay nakatalaga na ang BRP Teresa Magbanua at noong nakaraang linggo ay inalis na ito sa Escoda Shoal dahil sa kakulangan ng supplies sa mga crew ganun din ang kuwestiyonableng kakayahan pa nitong manatili doon.