-- Advertisements --

Muling itinaas ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang alerto bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Marce.

Sakop ng naturang Coast Guard District ang mga probinsyang nakaharap sa northeastern seaboard ng bansa na inaasahang direktang dadaanan ng naturang bagyo.

Ayon sa PCG – NELZN, naka-alerto na ang mga personnel, at mga kagamitan nito na maaaring magamit sa pagtugon sa naturang bagyo.

Naka-standby na rin ang mga lifevest, motorboat, at iba pang kagamitan na pwedeng ideploy sa mga probinsiya na mangangailangan ng agarang deployment.

Ayon pa sa PCG, regular na ang ginagawa nitong koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan na maaaring daanan ng naturang bagyo upang agad makatugon, oras na kailangan ng mga LGU ang tulong ng mga Coast Guard personnel.

Hinimok naman ng ahenisya ang publiko na tumawag lamang sa hotline nitong 0997-163-2854 para sa anumang pangangailangan.