Dinagdagan pa ng Philippine Coast Guard ang mga barkong kanilang idineploy sa West Philippine Sea upang umalalay sa ikinasang civilian mission ng Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc Shoal.
Sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sinabi ni PCG Spokesperson for the WPS Commo. Jay Tarriela na bukod pa sa 44-meter Vessel na BRP Bagacay na una na nilang idineploy sa naturang civilian mission ay nagdagdag pa ang kanilang hanay ng dalawa pang barko na kinabibilangan ng BRP Boracay at BRP Panglao para sa nasabing aktibidad.
Paliwanag ni Trinidad, bahagi pa rin ito ng kanilang pag-iingat at paghahanda kasunod ng mga ulat ng pagbuo ng blockade ng mga barko ng China sa WPS ilang araw bago ang pagkakasa ng civilian mission.
Samantala, bukod dito ay nag-deploy din ang PCG ng isa sa kanilang aircraft na magmo-monitor pa rin sa isinagawang aktibidad ng naturang civil society group.