Naglagay na ng mga off limit areas ang Philippine Coast Guard para bahagi ng Oriental Mindoro na apektado ng oil spill.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armad Balilo, sa ngayon ay mayroon na silang inilagay na exclusion area sa lugar dahil sa banta sa kalusugan ng mga residente na dulot ng nasabing oil spillage.
Aniya, ibig sabihin nito ay may mga lugar na hindi na dapat pang puntahan dahil delikado na rito para sa kalusugan ng isang tao.
Bukod dito ay una nang sinabi ni Balilo ang planong paglalagay ng oil spill boom ng mga otoridad sa mga apektadong katubigan nang nasabing oil spill.
Ayon sa PCG, kabilang sa mga apektadong lugar ng oil spill ay ang Naujan, Pola, Pinamalayan, at Bongabong.
Kung maaalala, una rito ay iniulat na rin ng coast guard na nahaluan na ng industrial fuel ang katubigan sa nasabing karagatan.