-- Advertisements --
PCG logo

Nagpaalala ang PCG sa mga bakasyonistang mas maging maingat kaugnay ng sunod sunod na insidente ng pagkalunod ngayong Semana Santa.

Kung maaalala, ang pinakabagong naiulat ay ang limang tinangay ng malakas na alon habang naliligo sa San Jose, Camarines Sur.

Lima ang nalunod samantalang ang isa naman ay kasalukuyan pang pinaghahanap.

Mapalad naman na nakaligtas ang isa pa nitong kasamahan.

Sa iba pang balita, mayroon ring insidente ng pagkalunod sa Daet, Camarines Norte maging sa Magat River doon sa San Mateo, Isabela, Cagayan, at Dipaculao Aurora.

Ang PCG naman ay naka alerto at nag deploy ng mga personnel sa ilang mga resort upang maiwasan ang pagkalunod.