-- Advertisements --
Nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 9,000 relief boxes sa rehiyon ng Bicol para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong ‘Kristine’.
Naihatid din ng ahensya ang nasa 75 tonelada ng family food packs galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), gamit ang tatlong PCG vessels.
Ang nabanggit na tatlong PCG vessel ay tinukoy na BRP Cabra, BRP Malabrigo at BRP Malapascua.
Ang ginagawang pagsisikap ng DSWD kasama ang PCG ay una nang napaulat kamakailan upang makapag hatid ng tulong para sa mga naapektuhang lugar sa rehiyon ng Bicol.
Samantala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa kabuuang 150 ang mga nasawi sa nagdaang mga bagyong ‘Kristine’ at ‘Leon’.