Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nagpadala na ito ng aircraft malapit sa Batanes para i-challenge ang research ship ng China.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, binigyan sila ng instructions ni PCG chief Admiral Ronnie Gil Gavan na idokumento ang mga aktibidad ng Chinese research vessel na Zhong Shan Da Xue.
Kabilang sa tututukan ng grupo ang mga iligal na aktibidad ng naturang vessel sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa Northern Luzon.
Ayon kay Tarriela ,ang Zhong Shan Da Xue ay mayroong haba na 114 meters at tonnage na 2,300.
Umalis ito sa China mula pa noong March 31 ng kasalukuyang taon.
Batay sa impormasyon ng ahensya , pumasok ang naturang barko sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa pasado alas 9 ng gabi noong Abril 2 at simula noon ay nananatili na ang barko sa naturang katubigan.
Huling namataan ang Chinese research vessel sa layong 103.86 nautical miles sa Itbayat, Batanes.