-- Advertisements --
image 483

Ibinunyag ng Philippine Coast Guard (PCG) na mayroong mga maritime incidents sa West Philippine Sea na hindi na isinapubliko.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG’s spokesperson for the West Philippine Sea na kamakailan lamang sila nagsimulang isapubliko ang maritime incidents para sa kamulatan ng mga Pilipino at international community.

Isa aniya sa mga maritime incidents na hindi inilabas sa publiko ay ang unang pagtutok ng laser sa BRP Habagat noong Hunyo ng nakalipas na taon sa may West Philippine Sea.

Inalala ng opisyal na itinutok ng Chinese Coast Guard na blue laser light na nagdulot hindi lamang ng pansamantalang pagkabulag kundi pangangati rin ng balat sa mga crew ng BRP Habagat.

Ipinaliwanag pa ng PCG official ang dahilan kung bakit hindi isinasapubliko ang ilang maritime incidents sa mga nakalipas na pagkakataon.

Aniya, nasa discretion na ng National Task Force for West Philippine Sea kung isasapubliko ang mga impormasyon o maritime incidents.

Paglalahad pa ng opisyal na nagpasya ang West philippine Sea Task Force na isapubliko ang nangyaring maritime incidents kamakailan upang makita kung paano magiging tugon dito ng China sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga bullying activities at agresibong gawain nito sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas

Sa ngayon,pinag-aaralan ng PCg ang magiging protocols sa pagtugon sakaling mangyari ang kaparehong mga insidente o harrassment sa hinaharap.