-- Advertisements --

PCG 1

Nagsasagawa ng firefighting at rescue operation ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard at mga lokal na mangingisda matapos masunog ang isang passenger-cargo vessel ang MV Esperanza Star, sa paligid ng karagatan ng Panglao, Bohol kaninang umaga.

Ayon sa Phil Coast Guard Tagbilaran, nasa 55-65 pasahero ang sakay ng barko, na umalis mula sa Port Lazi, Siquijor patungong Port of Tagbilaran.

Ang kapitan ng barko ay nakilalang si Captain Desiderio Labiste Jr.

Kaagad naman nakapag responde ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) BRP Malamawi (FPB-2403).