Naharang ng Philippine Coast Guard ang iligal na pagbibiyahe sana sa mga Visayan leopard cat mula sa Visayas patungo sa National Capital Region.
Batay sa official report ng PCG, ang mga naharang na Visayan leopard ay isinakay sa isang van. Nasabat ito sa Mabinay, Negros Oriental, matapos itawag ng isang concerned citizen.
Kinabibilangan ito ng dalawang adult male, isang adult female, at dalawang batang lalake.
Naaresto rin ng ang indibidwal na nagtangkang magbiyahe sa mga ito. Ang suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9147, kilala rin bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang mga Visayan leopard na kilala rin sa tawag na maral, ay nakalista bilang vulnerable sa ilalim ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List mula pa noong 2008.
Ang mga ito ay endemic sa Pilipinas at pangunahing matatagpuan sa Negros Islands, Cebu, Masbate, at Panay. Ilan sa mga ito ay natunton sa mga agricultural areas sa Visayas, lalo na sa mga sugarcane plantation.
Ang mga ito ay bahagi ng malawakang conservation effort ng gobiyerno dahil sa bumababang populasyon ng mga ito.