Nailigtas ng Coast Guard District Northeastern Mindanao ang 11 pasahero ng isang lumubog na motorbanca sa kalapit na karagatan sa Day-asan, Surigao City, kahapon, 22 Hulyo 2023.
Sakay ng rubber boat, sinagip ng PCG SAR team ang mga pasahero at dinala sila sa Coast Guard Special Operations Unit Boathouse para sa karagdagang tulong.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-3:30 ng hapon, umalis sila sa isang floating resort sa Day-asan, Surigao City, patungo sa Surigao City sakay ng MBCA JUSTIN nang sumadsad sila sa mababaw na tubig sa Buntog Bato, Day-asan.
Ang insidenteng ito ay naging sanhi ng hindi paggana ng makina, na nagresulta sa shaftingt at dismanting ng propeller at pagkatapos nito ay lumubog ang motorbanca. Tiniyak ng mga tauhan ng PCG na nasa maayos na pisikal na kondisyon ang mga nasagip na indibidwal bago sila pinayagang makauwi.