-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa higit 40,000 na ang mga pasaherong magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya sa mga pantalan sa buong bansa.

Ayon sa datos ng PCG, nasa 20,740 ang kabuuang bilang ng mga outbound passengers habang 18,516 naman ang mga inbound passengers sa mga terminal sa nationwide.

Naitala rin ang mataas na ilang ng mga pasahero sa Batangas Port at maging mga sasakyan dito na siyang dahilan ng mahabang pila sa mga bilihan ng ticket sa naturang pantalan.

Ayon sa Coast Guard District Southern Tagalog, dahil sa mataas na bilang ng mga apseahero sa mgapantalan, nakahanda ang kanilang pamunuan para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng mga port sa bansa at magbigay ng assistance kung kinakailangan.

Sa ngayon, mayroong 2,871 na personnels ang nakatalaga sa 16 na distrito sa buong bansa.

Samantala, nagsagawa din ngayong araw ng inspeksyon ang PCG sa 115 na mga vessels at 45 na motorboats para macheck ang mga makina nito para sa kaligtasan ng mga pasahero.