LEGAZPI CITY – Naka-full alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa Bicol dahil sa pagdagsa ng maraming bilang ng mga biyahero upang makahabol pa sa undas ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commander Emmand Avila, tagapagsalita ng Coast Guard District Bicol, katulong nila sa pagbabantay at pag-alalay sa mga biyahero ang Philippine Coast Guard Auxillary.
Ito ay upang masiguro ang seguridad ng mga pasahero sa mga pantalan at masigurong magiging mapayapa ang kanilang mga biyahe.
Hanggang ngayong araw ay inaasahan pa rin ang buhos ng maraming biyahero na susubukan makauwi sa kanya-kanyang mga probinsya para sa pagbisita sa mga namaalam na mahal sa buhay.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy naman ang byahe ng mga barko at walang naitalang anumang aberya at naitalang mga na-stranded kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Paeng.