Ilalagay sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang probinsiya para sa Holy Week.
Magiging epektibo ang alert status ng PCG mula sa Palm Sunday sa Abril 13 na hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw hanggang sa Easter Sunday, Abril 20.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang seguridad ng mga biyahero sa mga barko at pantalan sa kasagsagan ng Lenten season.
Ipapatupad naman ng PCG ang Oplan Biyaheng Ayos sa pakikipagtulungan sa iba pang government security forces.
Maliban sa pagbabantay sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero, nakaalerto din ang PCG sa posibleng mga insidente ng krimen.
Samantala, sa kakalsadahan naman, magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,500 filed personnel para mapangasiwaan ang daloy ng trapiko.