-- Advertisements --

Simula sa December 13,2024 ay itataas na ng Philippine Coast Guard ang kanilang heightened alert status bilang paghahanda sa nalalapit na pasko at magtatapos hanggang January 6, 2025.

Dahil na rin ito sa inaasahang buhos ng maraming pasahero sa mga pantalan.

Ayon kay Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, inatasan na nito ang lahat ng mga sub-stations para palakasin ang kanilang seguridad sa mga pantalan at terminal.

Aniya, ito ay para sa kaayusan ng mga sea travel operations at seguridad ng mga turista sa buong bansa.
Nagpapatupad rin sila ng striktong inspeksyon sa mga pasahero , bagahe , terminal at mga barko para sa kaligtasan ng mga ito.