-- Advertisements --

Mahigpit na mino-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aktibidad ng Chinese Coast Guard Vessel 5901 o mas kilala na “monster ship” matapos ito namataan sa may bahagi ng Capones Island sa Zambales nitong Sabado.

Ayon kay PCG spokesperson on the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, matapos nilang makumpirma ang presensiya ng monster chip agad nilang dineploy ang BRP Cabra (MRRV-4409) kasama ang dalawang helicopter sa bahagi ng Capones Island.

Na detect ang presensiya ng “monster ship” sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection system mula sa Canada.

Inihayag ni Tarriela na patuloy ang pagbibigay ng “challenge” ng BRP Cabra at ng PCG aircraft ang CCG-5901 kung saan binibigyang-diin nito na sila ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa Philippine maritime Zones Law at UNCLOS.

Binigyang-diin naman ni Tarriela na nananatili ang kanilang pangako na mahigpit na i-monitor ang Chinese Coast Guard vessel upang masiguro na makakapag hanap buhay pa ang mga Filipinong mangingisdana hindi hinaharass ang mga ito ng mga barko ng China.