-- Advertisements --
PCG BATANGGAS

Iniulat ng Philippine Coast Guard na matagumpay nilang narekober ang tinatayang aabot sa anim na sako ng contaminated debris sa ilang baybayin ng Occidental Mindoro.

Ito’y matapos ang kanilang ginawang pagresponde sa naganap ng oil spill incident sa Lumang Pantalan ng San Jose ng naturang probinsya.

Ayon sa Coast Guard Station-Occidental Mindoro, isang 30-liter bunker oil spill ng Marine Environment Group Occidental Mindoro habang sila nagsasagawa ng daily routine sa lugar.

Bilang tugon ay kaagad na naglatag ang kanilang mga tauhan ng oil absorbent pads.

Isa ito sa mga pamamaraan o marine pollution response at recovery operation ng kanilang ahensya. Naging katuwang nila sa operasyon ang iba pang concern agencies.

Ipinag-utos naman ni CG Captain Eddyson P Abanilla sa Coast Guard Station-Occidental Mindoro na ipagpatuloy ang kanilang pagsasagawa ng patrol monitoring sa mga dalampasigan sa lugar upang matiyak na walang langis na kumalat sa nasabing katubigan.

Top