-- Advertisements --

Naisalba ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 186, 245 survivors mula sa mga lugar na binaha dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng nagdaang bagyong Kristine.

Ang mga nasagip na indibidwal ay mula sa Bicol, Southern Tagalog, Northeastern at Northwestern Luzon, NCR, Eastern, Southern at Western Visayas at Northeastern Mindanao.

Sa situational report na inilabas ng ahensiya nitong gabi ng Lunes, nag-deploy na ang PCG ng 7 vessels at 197 land mobility and surface vehicles para magpadala ng force augmentation at tumulong sa humanitarian assistance and disaster response operations ng gobyerno.

Ipinag-utos na rin ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan ang full mobilization ng relief efforts para sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa kasalukuyan, mahigit 28,491 relief supplies na katumbas ng tinatayang 314.48 tonelada ng cargo ang nadala sa mga apektadong lugar.

Ipinanawagan din ng PCG ang mga kailangan ngayon ng mga nagrerekober na pamilya mula sa hagupit ng bagyo gaya ng portable generators, construction materials para sa kanilang mga nasirang kabahayan gaya ng pala, martilyo, pako at iba pa gayundin ang ready to eat food at hygiene kits.

Samantala, nitong Lunes, nakiisa ang mga personnel ng PCG sa pagtataas sa watawat ng Pilipinas sa half-mast bilang pag-obserba ng National Day of Mourning o Araw ng pagluluksa para sa mga biktima ng bagyong Kristine