-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 59,594 na outbound passenger o bilang ng mga bumyahe sa mga pantalan pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa buong bansa nito lamang nagdaang pasko.

Sa datos ng PCG, mayroon ding nasa 55,208 na inbound passenger o yung mga bumyahe naman na pabalik dito sa Metro Manila nitong holiday season.

Aabot din sa nasa 3,000 frontline personnel sa 16 PCG Districts ang nagsagawa ng inspeksyon sa nasa 552 na barko at 1,040 motor bancas.

Una nang iniulat na itinaas ng PCG ang kanilang mga district, stations at sub-station sa heightened alert simula noong December 20, 2024 hanggang ngayong araw January 03, 2025 para maayos na ma kontrol ang dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.