Nagpapatuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2025” upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.
Sa pagitan ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali nitong Abril 19, 2025, naitala ang 60,772 pasaherong palabas at 54,283 pasaherong papasok sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
May kabuuang 4,873 tauhan ang na-deploy sa 16 PCG Districts para magsagawa ng inspeksyon sa 509 barko at 2,299 na motorbanca.
Itinaas ng PCG ang “heightened alert” sa kanilang mga district, stations, at sub-station mula Abril 13 hanggang Abril 20, 2025.
Ang hakbang na ito ay naglalayong tugunan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.
Bukod dito, nananatiling handa ang PCG na magbigay ng tulong at suporta sa publiko.
Sa pamamagitan ng programang ito, pinanatili ng PCG ang ligtas at maayos na paglalakbay ng mga biyahero.